Dy

Pagtatatag ng Sports Academy at Training Center sa Isabela isinusulong ni Dy

Mar Rodriguez Jul 30, 2024
91 Views

Dy1๐——๐—”๐—›๐—œ๐—Ÿ ๐˜€๐—ฎ ๐—ต๐˜‚๐˜€๐—ฎ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜€ ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฎ๐˜๐—น๐—ฒ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ธ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ถ ๐—›๐—ผ๐˜‚๐˜€๐—ฒ ๐——๐—ฒ๐—ฝ๐˜‚๐˜๐˜† ๐— ๐—ฎ๐—ท๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐˜† ๐—Ÿ๐—ฒ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ฎ๐˜ ๐—œ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—ฎ ๐Ÿฒ๐˜๐—ต ๐——๐—ถ๐˜€๐˜. ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด. ๐—™๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ผ “๐—œ๐—ป๐—ป๐—ผ” ๐—”. ๐——๐˜† ๐—ฉ ๐˜€๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฎ i๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜‚su๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜€ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ด ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐˜€ ๐—”๐—ฐ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฒ๐—บ๐˜† ๐—ฎ๐˜ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—–๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ๐—ฟ ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜„๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐—ป.

Inihain ni Dy, vice-chairman ng House Committee on Tourism, ang House Bill No. 1145 sa Kamara de Representantes na naglalayong magtatag ng Cauayan City Sports Academy and Training Center.

Ipinaliwanag ni Dy na ang layunin ng kaniyang panukalang batas ay upang mas lalo pang hasain at sanayin ang mga atleta sa kanilang lalawigan sa larangan ng sports kasunod ng napakagandang performance na ipinamalas nila sa katatapos pa lamang na Palarong Pambansa.

Ayon pa sa kongresista, naipakita ng kanyang mga kababayang atleta ang kanilang husay at talino sa iba’t-ibang sports event na kanilang nilahukan. Kaya kinakailangang mas hasain pa sila bilang paghahanda sa mga susunod pang sports events na maaaring mangyari sa darating na hinaharap.

Sabi pa ni Dy, nararapat lamang na suportahan nito ang mga kababayan niyang atleta na nagbibigay ng karangalan sa kanilang lalawigan. Bukod pa dito ang napakalaking potensiyal na nakikita sa kanila na maaaring sila ang susunod na henerasyon ng mga Pilipinong atleta na lalahok sa mga international sports competition.

“Kaya isinulong po natin ang House Bill 1145 o ang An Act Establishing Cauayan City Sports Academy and Training Center upang mas mahasa pa ang kakayahan ng bawat atleta ng ating probinsiya. Nakakahinayang ang kanilang talento kung hindi natin sila susuportahan,” sabi ni Dy.

Nabatid pa sa House Deputy Majority LeaderLeader na nakapaloob sa kaniyang panukalang batas ang pagkakaroon ng sapat na mga kagamitan para maggamit ng mga atleta.