Romero1

Pagtatayo ng PFA isinusulong

Mar Rodriguez Jun 15, 2023
136 Views

UMAASA ang 1-PACMAN Party List Group na maisasalang na sa Plenaryo ng Kongreso sa papasok na 2nd Regular Session ng Kamara de Representantes ang panukalang batas na isinulong nito na naglalayong maitatag ang Philippine Fruits Authority (PFA) na mangangalaga sa supply ng mga prutas sa bansa.

Optimistiko si 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., na maisasalang na sa pagbubukas ng 2nd Regular Session ng Kongreso ang inihain nitong House Bill No. 819 upang itatag ang PFA na ang pangunahing tungkulin ay tiyakin ang supply ng mga prutas sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Romero, Chairman din ng House Committee on Poverty Alleviation, na ang Pilipinas bilang isang archipelago ay mayaman at sagana sa iba’t-ibang uri ng tropical fruits. Kung saan, matatagpuan dito ang 20 iba’t-ibang uri ng species sa kabuuan ng archipelago ng bansa.

Sinabi pa ni Romero na ang major fruit species o pangunahing prutas na matatagpuan sa Pilipinas ay ang saging. Sinusundan naman ito ng pinya (pineapple), mango, papaya, calamondin, durian at lanzones na ine-export aniya sa ibang bansa dahil sa pagiging indemand ng mga nasabing prutas.

Binigyang diin pa ni Romero na ang saging at mangga ang itinuturing na major fruit export commodities ng Pilipinas maging ito man ay sariwang inilalabas ng bansa o sa pamamagitan ng processed food.

Dahil dito, iginigiit ng kongresista ang agarang pagsasabatas ng House Bill No. 819 o ang pagtatag ng PFA na ang magiging pangunahing tungkulin ay pangasiwaan ang supply at produksiyon ng mga tropical fruits sa Pilipinas maging ito man ay pang export o isasalya sa mga lokal na pamilihan.

Sinabi pa ni Romero na nakakapang-hinayang kung hindi sasamantalahin ng pahamalaan ang pagkakaton habang sagana ang bansa sa supply ng mga tropical fruits. Kung saan, noong 2013 ay nakapag-export ang Pilipinas ng tinatayang 2,510,864 metric tons ng fresh fruits.