Madrona

Pagtatayo ng solar-powered water systems sa Romblon ikinagalak ni Madrona

Mar Rodriguez Nov 7, 2025
263 Views

Madrona1IKINAGALAK ni Romblon Lone District Representative Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona ang naging inisyatiba ng Anakalusugan Party List group matapos itong magpatayo ng “solar-powered water systems” sa Barangay Pobalcion at Camandag sa Munisipalidad ng Looc na magsisilbing napakalaking pakinabang para sa libo-libong mamamayan ng naturang lalawigan.

Sa kaniyang mensahe kasunod ang inagurasyon ng solar-powered systems, sinabi ni Madrona na ang “tubig ay buhay” kung saan, ito ang pangunahing pangangailangan ng mga Romblomanon.

Hindi lamang aniya basta tubig kundi isang tubig na malinis na magagamit sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

“Ang tubig ay buhay, water is life. Hindi lamang basta tubig kundi isang tubig na malinis at healthy. Nais nating pasalamatan si Congressman Rey dahil sa kaniyang mga programa,” wika ni Madrona.

Pinasalamatan din ng kongresista ang kapwa nito mambabatas na si Anakalusugan Party List Representative Rey Reyes dahil sa pagpapasimula nito ng water project sa kanilang lalawigan na isa sa mga suliranin ng kaniyanv mga kalalawigan.

Kasabay nito, pinangunahan ni Madrona ang inagurasyon at turn-over ceremony ng bagong patayong Multi-Purpose building – covered court sa Romblon State University, Calatrava Campus sa Barangay San Roque sa Munisipalidad ng Odiongan.