Calendar

Pagtepok sa kelot ng saksak sa Sampaloc nahagip sa CCTV
TODAS ang isang lalaki matapos saksakin ng ilang beses ng 37-anyos na kelot sa harap ng isang tahanan Martes ng umaga sa Bgy 447, Sampaloc, Manila.
Nakilala ang biktima na si Rumolo alyas Oneng, 47, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang 10:30 ng umaga nang mangyari ang insidente. Nakaupo ang biktima nang biglang sumulpot ang suspek na may dalang patalim.
Kinumpronta at inundayan ng suspek ng saksak ang biktima. Nakalayo pa ng ilang metro ang biktima subalit sinundan ito ng suspek at ilang beses pa itong inundayan ng saksak, hanggang sa humandusay na duguan ang una sa nasabing lugar.
Nakilala ang suspek na si alyas Boy Negro at Muslim, residente ng Barangay Poblacion, Quezon.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng alitan.
Ang suspek ay mabilis na tumakas dala ang ginamit na patalim.
Inihahanda na ng MPD Homicide Investigator na si PMSg Derick Magpale ang criminal complaint laban sa suspek para sa paglabag sa Article 248 (murder) ng Revised Penal Code.