Calendar

Pagtukoy sa mga taong nasa likod ng mga fake news sa sa social media sinang-ayunan ni Madrona
NAKIKIISA si Romblon Lone Dist. Rep. Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona sa panawagan ng mga kapwa nito mambabatas na dapat tukuyin ng mga awtoridad kung sino-sino ang mga taong nasa likod ng mga naglipanang fake news at mis-information sa social media.
Pagdidiin ni Madrona, Chairman ng House Committee on Tourism, na panahon na upang papanagutin ang mga tao at grupong naghahasik ng maling impormasyon o fake news sa social media na nagdudulot ng matinding kalituhan sa publiko.
Sinang-ayunan din ng kongresista ang ikakasang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga tao o grupong nagsisilbing “financier” ng mga vloggers na siyang ginagamit nila para lumaganap ang mga fake news.
Naniniwala si Madrona na hindi lamang mga simpleng vloggers ang nagkakalat ng mga fake news. Bagkos, mayroon umano silang mga financiers na nagbibigay sa kanila ng malaking halaga upang maghasik ng mga maling impormasyon.
Sabi pa ni Madrona na iniulat din ng Department of Juestice (DOJ) na maaaring may pinansiyal na suporta mula sa hindi pa matukoy na mga indibiduwal o grupo ang aktibidad ng mga nasabing vloggers na posibleng makasuhan ng cybercrime.
Samantala, pinangunahan ni Madrona ang inagurasyon at turn-over ceremony ng Cabolutan National High School sa Barangay Cabolutan sa Munisipalidad ng San Agustin Romblon.
Ang naturang proyekto ay alinsunod sa mga naging pagsisikap ni Madrona upang magkaroon ng karagdagang silid paaralan ang Cabolutan National High School na inaasahang magbibigay ginhawa para sa libo-libong mag-aaral ng nasabing paaralan.
“The facility is expected to provide vital support for educational services and symbolize the community’s commitment to academic excellence and progress,” pahayag ni Madrona.