Republic Act

Pagtuturo ng mother tongue mula Kinder hanggang Grade 3 ititigil na

Chona Yu Oct 12, 2024
117 Views

MOTHER tongue no more.

Ito ay matapos mag lapsed into law ang Republic Act 12027 o Act Discontinuing the Use of Mother Tongue as Medium of Instruction nang hindi lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sa ilalim ng bagong batas, ititigil na ang pagtuturo ng mother tongue mula Kinder hanggang Grade 3.

Inaamyendahan ng bagong batas ang Enhanced Basic Education Act of 2023 o Republic Act 10533 na nagmamandato sa Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) program.

Nakasaad pa sa bagong batas na ang medium ng pagtuturo ay babalik sa Filipino hanggang walang ibang batas na ipinatupad sa Ingles.

Habang ang mga rehiyonal na wika naman ay maaari pa ring gamitin bilang mga pantulong na kagamitan sa pagtuturo.

Ang bagong batas ay nagdadala rin ng opsyonal na pagpapatupad ng MTB-MLE sa mga monolinggwal na klase, kung saan ang lahat ng estudyante ay may parehong katutubong wika.

Inaatasan naman ang Department of Education (DepEd) para suriin ang opsyonal na pagpapatupad ng MTB-MLE sa mga monolinggwal na klase tatlong taon pagkatapos maging epektibo ang batas.