bro marianito

Pahamak ang tukso

299 Views

Ang kasalanan at tukso ay hindi mag-aanyong pangit kundi maganda. Kaya’t lalong nahuhulog at nagkakasala ang tao (Mt. 4:1-11)

“The Three Deadly Sins”.

ANG kadalasan na ikinapapahamak ng tao ay dahil sa tukso.

Kaya siya nadadapa at nagkakamali ay dahil sa nagpapadala siya sa tukso.

Sa Genesis (Gn. 2:79. 3:17) maging ang unang tao sina Eba at Adan ay hindi nakaligtas sa tukso at panunukso ng kasalanan sa pamamagitan ng Demonyo na nag-anyong ahas.

Ang tukso ay hindi naman magpapakita ng pangit.

Ito ay nagpapakita ng maganda at kaaya-aya na ikinapapahamak ng tao, kung pangit ang ipakikita nito.

Wala na sanang mabibiktima ang demonyo at kampon ng kasamaan. Dahil sa magandang anyo ang ipinapakita ng tukso. Madaling nahuhumaling ang tao.

Ang tukso ay maaaring umanyo sa pamamagitan ng salapi, kapangyarihan at katungkulan upang lalong maakit ang tao tungo sa tuluyang pagkahulog nito sa kumunoy ng kasalanan.

Ito ang ating maaaring pagnilayan sa Ebanghelyo ngayong araw. (Mt. 4:1-11).

Gluttony:

Isa ito sa tatlong uri ng tukso na inilatag ng Demonyo kay Kristo upang siya ay mahulog o magkasala.

Ang tukso ng salapi o material wealth na inilarawan sa pamamagitan ng tinapay.

Ito ay katakawan sa mga materyal na bagay at sa karangyaan.

Pride:

Ang pangalawa ay ang tukso ng pride.

Dahil dito, kadalasan, ipinagpapalagay ng tao na mas magaling o mahusay na siya kesa sa Diyos dahil lamang siya ay nabiyayaan ng talino.

Sukdulang hamunin na nito ang kapangyarihan ng Panginoon.

Kung kaya’t sinabi ni Hesus, “Do not put your Lord God to the test,”.

May ilan, na kinukuwestiyon pa ang “existence” ng Diyos.

Greed:

Ang panghuling temptasyon upang mahulog sa kasalanan ang tao ay ang greed.

Ang pagka-ganid sa kapangyarihan.

Marami ang nalalasing sa kapangyarihan dahil sa kanilang nakukuhang impluwensiya.

Bakit ba marami ang nakakasuhan ng “graft and corruption”.

May ilan ang halos ayaw ng bitawan ang kanilang puwesto?

Sukdulang ipagpalit ng tao ang kanilang kapangyarihan sa totoong Diyos, ang akala kasi nila na kapag nasa puwesto ka ay “life time”.

Ang sa tingin nila. Kapag ikaw ay nasa puwesto, wala ka naring pinagkaiba sa Diyos. Hindi nakakapagtaka, may ilan na ang tingin sa ibang tao ay Diyos at ang tingin nila sa kanilang sarili ay Diyos.

Sinabi ni Hesus, “You shall worship the Lord your God and him alone shall you serve”.

Ang matibay na panlaban sa tukso at pambubuyo ng kasalanan ay isang mataimtim na panalangin, matibay na pananampalataya at ang pag-iwas dito.

Kung ayaw talaga nating magkasala. Kahit sampung Demonyo pa ang magpakita sa harapan natin. Wala itong magagawa kung talagang ayaw natin.

Amen