Madrona

Pahayag ni PBBM kaugnay sa grand opening ng Liloan Port patungkol sa kinabukasan ng turismo sa Cebu City sinang-ayunan ng House Committee on Tourism

Mar Rodriguez May 29, 2023
144 Views

SINANG-AYUNAN ng House Committee on Tourism ang naging pahayag ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa idinaos na “grand opening” ng Pier 88 sa Cebu City na ang pagbubukas ng Liloan Port ay magbibigay ng magandang kinabukasan para sa turismo ng lalawigan sa darating na hinaharap.

Naging panauhing pandangal o guest of honor ang Pangulong Marcos, Jr. kabilang na sina House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez, Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Garcia Frasco, House Dputy Speaker Raymond Mendoza at Cebu City Governor Gwendolyn Garcia sa pagbubukas o grand opening ng The Liloan Cebu Port Development Pier 88.

Sa kaniyang mensahe, binanggit ng Pangulo ang magandang kinabukasang naghihintay para sa turismo ng Cebu City matapos nitong ipahayag na: “This will help tourism industry of Liloan, but this not just the tourism for Liloan, Cebu City or Camotes Island. This is in consonance with the discussions that we have been making with other countries especially around ASEAN in that we are going to work together so that we increase our tourism volume”.

Dahil dito, sinabi ni Romblon Lone Dist. Congressman Eleandro Jesus “Budoy” F. Madrona, Chairman ng Tourism Committee, na ang Pier 88 o Liloan Port ang magsisilbing “gateway” o pagkakaroon ng magandang oportunidad para lalong umunlad ang turismo sa Cebu City.

Binigyang diin ni Madrona na ang naging mensahe ng Pangulong Marcos, Jr. ay pumapatungkol sa international community partikular na sa ASEAN na humihikayat sa kanila ng tangkilikin ang turismo ng Pilipinas sa gitna ng pagsisikap ng Tourism Department na mai-promote ang Philippine tourism.

Naniniwala si Madrona na makaka-engganyo ng napakaraming turista ang Pier 88 dahil sa napakagandang lokasyon nito, scenery, ang makapigil hiningang “panoramic views” o napaka-gandang tanawin at iba pang amenities na maiaalok nito para sa mga lokal at dayuhang turista.