Calendar
Palasyo naalarma sa pagsulpot ng monster ship ng China sa EEZ
NAALARMA ang Palasyo ng Malakanyang sa presensya ng “monster ship” ng China Coast Guards sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang presensya ng monster ship sa karagatan ng Pilipinas ay “matter of projection”at nag-aalala sila tungkol dito.
Sa ngayon ayon kay Bersamin, ay hinahamon nila ang presensya ng monster ship na pasulpot sulpot sa EEZ sa pamamagitan ng ating Coast Guard na laging nakaalerto.
Wala naman aniyang confrontational na nangyayari.
Ayon kay Bersamin may mas mataas na mekanismo na ginagawa ang pamahalaan para iparating sa China na nasa loob ng EEZ ng bansa ang kanilang barko at ito ay ang paghahain ng protesta, demarching at ang permanent appratus na vice ministerial level.
Lagi rin aniyang nag uusap ang Beijing at Pilipinas para mag host ng vice ministerial level conference na isang tugon para sa peaceful settlement sa pinag aagawang West Philippine Sea (WPS) na siyang nakakasakop sa maritime domain, EEZ at territorial sea ng Pilipinas.
“We view with concern, ganito iyan. So far, we have been challenging the presence of that Monster Ship. Our Coast Guard has always been very alert in following-up iyong presence of that Monster Ship, pasulput-sulpot and it is within our Exclusive Economic Zone. So, tsina-challenge iyan, if you look at the YouTube channel where there were many occasions na tsina-challenge ng ating mga Coast Guard vessels iyong kanila,” pahayag ni Bersamin.