Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
MMDA nagbukas ng bagong MBRS
May 9, 2025
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Calendar

Nation
Palasyo naghahanda na sa pag-host sa 2026 Asean Summit
Chona Yu
Oct 1, 2024
287
Views
SINIMULAN na ng Palasyo ng Malakanyang ang paghahanda ng Pilipinas para maging host sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit Meetings na gaganapin sa taong 2026.
Base sa Facebook post ni First Lady Liza Marcos, nagsimula na ang pagpupulong para sa hosting ng bansa sa international event.
Kasama sa pulong ni First Lady Liza Marcos si Tourism Secretary Maria Christina Frasco.
Noong Marso 22 nang ilabas ang Administrative Order 17 na lumilikha ng National Organizing Council na mangunguna sa paglalatag sa mga aktibidad para sa Asean Summit Meetings.
Hindi naman tinukoy sa pulong kung saang mga lugar isasagawa ang pagpupulong ng mga world leaders.
Napolcom magbibigay ng PESE certificates
May 9, 2025
Taumbayan tagumpay sa pagpasa ng RA 12179
May 9, 2025