EMBASSY OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Palasyo sa mga Pinoy sa Lebanon: Lumikas na

Chona Yu Aug 17, 2024
30 Views

HINIKAYAT ng Palasyo ng Malakanyang ang lahat ng Pilipino sa Lebanon na lumikas na sa lalong madaling pamahon.

Ayon sa pahayag ng Presidential Communications Office (PCO), base na rin ito sa abiso ng Philippine Embassy sa Lebanon.

Sabi ng PCO, mas makabubuting lumipad na palabas ng Lebanon habang nananatiling operasyonal ang mga airport.

Kung hindi man makaaalis, nirerekomenda ng embahada na sila’y lumikas sa mga mas ligtas na lugar sa labas ng Beirut, South Lebanon, at Bekaa Valley.

Pinapayuhan ang mga Filipino para sa repatriation assistance na ,sagutan lamang ang repatriation form na https://tinyurl.com/2024Repatriation

Maaari ring tumawag sa mga sumusunod:

Para sa OFWs (documented or undocumented): +961 79110729

Para sa OFs (Dependents with Permanent Resident Status, i.e., wife iqama): +961 70858086.