Bersamin ES Lucas Bersamin

Palasyo sinuspendi klase, trabaho dahil kay ‘Enteng’

Chona Yu Sep 2, 2024
123 Views

SINUSPENDI ng Palasyo ng Malakanyang ang pasok sa eskwela at trabaho sa National Capital Region, Setyembre 2.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Enteng.

Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, epektibo ang suspensyon ng trabaho ng 8:30 ng umaga sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa NCR.

“The suspension of work for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads,” pahayag ni Bersamin.

Suspendido rin ang pasok sa eskwela sa pirbado at pampublikong paaralan sa lahat ng antas sa NCR kahapon

“In view of the inclement weather brought about by Tropical Storm “Enteng,” classes in public and private schools at all levels within the National Capital Region on September 2, 2024 are hereby suspended,” pahayag ni Bersamin.