Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
BBM

Palasyo walang reaksyon sa mga birit ni VP Sara

Chona Yu Oct 18, 2024
162 Views

Walang reaksyon ang Palasyo ng Malakanyang sa mga naging patutsada ni Vice President Sara Duterte kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, walang pahayag ang Palasyo sa mga birit ni Duterte.

Kabilang sa mga banat ni Duterte ay nasa road to hell ang PIlipinas dahil hindi raw marunong maging presidente ang nakaupo.

Binigyan pa ni Duterte ng one na grado mula sa one to 10 si Pangulong Marcos dahil hindi raw alam ang plano kung paano tugunan ang food security at inflation.

Matatandaang magkatandem na tumakbo sa dalawang pinakamataas na posisyon sina Pangulong Marcos at Duterte noong 2022 presidential elections.

Pero kalaunan, nagkalamat ang relasyon ng dalawa.

Sa naunang pahayag ni Pangulong Marcos, sinabi nitong mistulang naloko siya sa pakikipagkaibigan ni Duterte.