Pamangkin inangkin ni Arci, netizens nagkagulo!

Vinia Vivar Apr 1, 2025
59 Views

Ang daming ginulat ni Arci Munoz sa kanyang Instagram post ngayong araw, April 1.

Nag-post ang aktres ng dalawang larawan ng isang batang babae.

Ang isa ay solo picture nito at sa tantiya namin ay tila nasa 3-4 years old ito, at ang isa naman ay photo nilang dalawa noong baby pa ito’t makikita pang twinning sila ng damit.

Sa caption, binanggit ni Arci na Estrella ang name ng bata at ipinahayag kung gaano siya kasaya na finally ay mailalantad na niya ito.

“Been waiting for the right moment to tell the world about you my sweet #Estrella soo blessed to have ya my little princess. Love you!” mensahe ng aktres sa little girl.

Kaya naman dumagsa ang commenters sa post at inisip na anak ni Arci ang super-cute na bata.

Pati si Vina Morales ay nag-comment ng, “Awwww soooo cutie like mommy so proud of you.”

Dahil nakita niya sigurong nagkakagulo ang kanyang followers, matapos ang ilang oras ay nagkomento si Arci at sinabi na kung sino ang bagets.

It turned out na pamangkin niya ito.

“Claiming all my pamangkins my own. Nonetheless I’m a #titamomma,” sey ni Arci.