Pamemeste ng mga surot at daga sa NAIA, iimbestigahan ng Kongreso

Mar Rodriguez Mar 5, 2024
229 Views

Cong. Marissa “Del Mar” P. MagsinoPINAIIMBESTIGAHAN ni OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa Kamara de Representantes ang mga problemang kasalukuyang nakaka-apekto sa operasyon ng tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) patungkol sa pamemeste ng mga surot at daga.

Bagama’t napaka-imposibleng humarap sa imbestigasyon ang mga surot at daga upang magpaliwanag kung bakit patuloy silang namemerwisyo sa Terminal 1, 2 at 3 ng NAIA. Gayunman, nais ni Magsino na mismong ang mga opisyales ng NAIA ang dumalo sa pagsisiyasat ng Kongreso.

Isinulong ni Magsino ang House Resolution No. 1615 na naglalayong alamin ang puno’t dulo ng kasalukuyang problema sa mga nasabing Terminal ng NAIA na nagdudulot ng napakalaking perwisyo para sa libo-libong pasahero. Kabilang na dito ang napakasikip na daloy ng trapiko sa loob ng NAIA.

Nauna ng ipinahayag ni Magsino ang labis na pagkabahala kaugnay sa insidente ng pamemeste ng mga surot at daga sa mga terminals ng NAIA na nagdudulot ng napakalaking perwisyo para sa napakaraming pasahero.

Idinagdag pa ni Magsino na ang matinding congestion ng mga sasakyan NAIA ang nakakadagdag sa problema ng NAIA na nakakasira din aniya sa imahe ng Pilipinas sa mata ng international community.

Sinabi pa ng OFW Lady solon na ang kahilingan nitong imbestigasyon ay bunsod narin ng kumalat na “viral videos” at samu’t-saring reklamo patungkol sa pamemeste ng mga surot kung saan ilang pasahero ang nakagat nito, pagala-galang mga daga at naglipanang mga ipis sa paligid ng NAIA.

“We recognize that the officials of the Manila International Airport Authority (MIAA) immediately addressed the complaints on bed bugs, rats and cockroaches in NAIA. However, given the repeated problems in NAIA and its tags as one of the world’s airport. We have to look on this problem. More so since NAIA has revenues to address basic operational concerns such as sanitation and congestion. Sirang-sira na ang ating imahe bilang tourism destination,” sabi ni Magsino.