Calendar
Pamimigay ng gamot sa nasalanta gawing prayoridad—PBBM
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing prayoridad ang pamimigay ng gamot sa mga nasalanta ng bagyong Paeng.
Inatasan ni Marcos si Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na isama sa tulong na ibibigay ang mga gamot sa ubo, sipon, at pananakit ng tiyan.
“Siguro pwede natin unahan, ‘wag na natin antayin ‘yung mga prescribed medicine. Magdala na tayo ng mga, ‘yung simple lang, ‘yung mga para sa sipon, ‘yung para sa ubo, para sa sirang tiyan… you know all the common ailments that can be cured by non prescription medicines,” sabi ng Pangulo.
Ayon kay Tulfo maaaring isama ito sa hygiene kit na ipamimigay ng ahensya.
Tutulong din umano si Marcos na makipag-usap sa mga pharmaceutical company para sa suplay ng mga gamot.
Dapat din umanong tulungan ang mga indibidwal na mayroong maintenance medicine.