bbm

Pamimili ng tutulungan ipinapatigil ni PBBM

201 Views

IPINATITIGIL ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ginagawang pamimili sa mga bibigyan ng tulong matapos ang isang kalamidad.

Ayon kay Marcos ang lahat ay dapat na tulungan at hindi kung sino lang ang malakas o napili ng opisyal.

Sa isinagawang briefing sa Maguindanao, naalala ng Pangulo ang kanyang personal na nasaksihan matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong 2013.

Ayon kay Marcos nadaanan nito ang isang pila ng mga tao noon at mayroong hawak na mga tiket na bigay umano ng kapitan ng barangay.

Nagtanong-tanong umano ito at nalaman na ang bibigyan lamang ng ayuda ay ang mga may tiket.

“Naghihingalo ‘yung tao eh, life and death sa kanila ito eh. Huwag na tayong maghintay na may ticket, huwag na tayo maghintay… Puntahan na lang natin, basta ibigay natin. Kung hindi magamit, hindi magamit… dalhin sa ibang lugar,” sabi ni Marcos.

Nagtungo si Marcos sa Mindanao upang personal na saksihan ang nangyari sa lugar.