Mindanao

Pamumuhunan ng gov’t sa agri sa Mindanao itinutulak

30 Views

FOOD security is a national security.”

Ganito isinalarawan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang kahalagahan ng pagkain sabay panawagan ng agarang pamumuhunan sa sektor ng agrikultura at pangisdaan ng Mindanao.

Ipinunto ni Pangilinan ang mahalagang papel ng rehiyon sa pagpapakain sa buong bansa.

“If we want lower food prices and stable supply, we must invest in Mindanao’s farmers and fisherfolk,” sabi ng senador.

Sa pagtukoy sa mayamang yamang-dagat at matabang mga lupain ng BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao), binigyang-diin ng senador na ang rehiyon ay hindi lamang sentro ng produksyon ng pagkain kundi potensyal ring tugon sa lumalalang krisis sa pagkain.

Sa kasalukuyan, ang BARMM ay nagbibigay ng halos 30% ng kabuuang produksyon ng isda, kabilang ang mga produktong may mataas na halaga gaya ng seaweed at tuna.

Inilahad ni Pangilinan ang ilang mahahalagang larangang dapat pagtuunan.

Iginiit niya ang pangangailangan para sa pagpapaayos ng imprastruktura, lalo na ang mga farm-to-market roads at mga sistemang patubig.

Iminungkahi niya ang pagpapalawak ng akses sa agricultural credit at crop insurance upang matulungan ang mga magsasaka sa pamamahala ng panganib.

“Mindanao feeds the nation,” sabi ni Pangilinan.