Koko

Panahon na para muling bumalik ang Pilipinas sa ICC – Pimentel

45 Views

NANANAWAGAN si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na muling pag-isipan ang kanyang posisyon sa International Criminal Court (ICC) at isaalang-alang ang muling pagsali sa naturang pandaigdigang hukuman.

Ginawa ni Pimentel ang panawagang ito sa harap ng mga miyembro ng komunidad ng diplomatiko sa isang talumpati hinggil sa patakarang panlabas sa Department of Foreign Affairs kamakailan lamang..

Para kay Pimentel, ang muling pagsali sa ICC ay magsisilbing isang “insurance policy” laban sa mga posibleng pang-aabuso ng isang pinuno at sa pagkakataon na mabigo ang sistema ng hustisya.

“Let us rejoin the ICC. We should treat this as our ‘insurance policy’ just in case ‘our system’ fails us and we get to elect an abusive, tyrannical, heartless leader, and our justice system fails us too,” sinabi ni Pimentel sa kanyang talumpati.

Umalis ang Pilipinas sa ICC makalipas ang pitong taon matapos ipahayag ng ICC noong 2017 ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa madugong kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Pimentel, ang pagsali sa ICC ay isang aksyon ng ehekutibo at ang desisyon ay nasa kamay ng Pangulo, kaya’t hinihikayat niya si Pangulong Marcos na pirmahan ang mga kinakailangang dokumento upang muling maging bahagi ng ICC ang Pilipinas.

Siinabi ni Pimentel na ang kanyang mungkahi na muling sumali ang Pilipinas sa ICC ay magsisilbing daan para sa mga Pilipino laban sa isang “killer” at “tyrannical” na pinuno, o kung makikita nila na bigo ang sistema ng hustisya.

“We are monitoring the Quad Com, and here in the Senate, we also have an investigation. We’ve seen that in the worst-case scenario where our systems fail, such as when our democratic system elects a killer as a leader, one without conscience or compassion, and our justice system is slow to respond. In those events, it’s best to have an ‘insurance policy,'” ani Pimentel.