Pasay

Panalo sa halalan sa Pasay, Munti, LP naiproklama na

Edd Reyes May 13, 2025
12 Views

KASABAY ng tahimik na halalan sa mga lungsod at isang munisipalidad sa katimugan ng Metro Manila, naiproklama na ang ilan sa mga nanalong kandidato ng Commision on Elections (Comelec).

Maagang naiproklama sina incumbent Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, Vice Mayor-elect Phanie Teves at Congressman Jimmy Fresnedi na malaki ang lamang sa kani-kanilang mga kalaban.

Naiproklama na rin ang mag-inang April Aguilar, na nahalal na alkalde at ina niyang si Imelda na nagwagi bilang bise alkalde ng Las Pinas.

Ang independent candidate na si Mark Anthony Santos iprinoklama na bilang kongresista ng talunin si Sen. Cynthia Villar.

Sina Pasay City Mayor-elect Emi Calixto-Rubiano at ka-tandem na si Vice Mayor-elect Mark Calixto naiproklama na rin.

Ang dating Vice Mayor ng Pateros na si Gerald German naiproklama na rin bilang bagong alkalde kasabay ng kanyang bise alkalde na si Carlo Santos.

Hinihintay pa ang pinal na resulta sa Makati, Taguig at Paranaque.