Fisherman

Panawagan mula Senado: Reporma sa fuel subsidy program

19 Views

NANAWAGAN si Senador Raffy Tulfo ng reporma sa fuel subsidy program para sa mga mangingisda. Iminungkahi niyang gawing mas simple at direkta ang proseso, kung saan ang subsidiya ay dapat idinideposito na lamang sa bank account ng mga benepisyaryo—katulad ng sistema sa 4Ps at TUPAD.

Kasabay nito, hiniling din ni Tulfo na itaas ang ayuda mula ₱3,000 tungong ₱5,000 upang maging patas sa tinatanggap ng mga PUV drivers.

Sa isang pagdinig sa Senado, ipinaliwanag ni BFAR Assistant Director Zaldy Perez na nasa 200,000 mangingisda ang nasa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at kwalipikado para sa subsidiya. Aniya, ginamit ng ahensya ang voucher system dahil umano sa limitasyon mula sa Department of Budget and Management (DBM) sa direktang pamimigay ng pera.

Ngunit DBM Acting Director Gemma Ilagan refuted this, at iginiit na walang ganitong restriksyon mula sa DBM. Binigyang-linaw niyang desisyon ng BFAR ang sistema ng pamamahagi.

Dahil dito, nanawagan si Tulfo sa BFAR at DBM na pag-isahin ang kanilang patakaran upang mapabilis at maging mas episyente ang pagbibigay ng ayuda.

Bilang tugon sa epekto ng pabagu-bagong presyo ng langis, bahagi ang subsidiya sa mga mangingisda ng mga hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang kanilang gastos.

Gayunman, may pangamba rin sa panukalang bawas sa pondo ng programa sa 2025.

Binigyang-diin ni Tulfo: “Ang assistance para sa kanila ay dapat diretso sa kanila — on time at cash, wala nang pasikot-sikot pa.”