Senado

Panawagan mula senador na impeachment trial vs VP Sara lumalakas

16 Views

LUMALAKAS ang panawagan mula sa ilang senador na ituloy na ng Senado ang impeachment trial laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte, sa kabila ng muling pagpapaliban ng proseso hanggang Hunyo 11.
Ayon sa kanila, hindi maaaring ipagpaliban pa ang pagdinig upang hindi malagay sa alanganin ang Konstitusyon.

Isa sa matitinding tumutol sa pagkakaantala ay si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

Mariing kinuwestyon ni Pimentel ang desisyon ni Senate President Francis Escudero na ipagpaliban ang pagbasa ng Articles of Impeachment, ang panunumpa ng mga senator-judges, at ang opisyal na pag-upo ng Senado bilang impeachment court.

Ayon kay Pimentel, “The Senate is constitutionally obligated to proceed once the House of Representatives transmits the Articles of Impeachment.”

Ipinunto niyang hindi ito bahagi ng regular na tungkulin sa paggawa ng batas, kundi isang natatanging obligasyon sa ilalim ng Konstitusyon na dapat aksyunan ng agaran.

Binigyang-diin niya na walang kalayaan ang Senado na pigilan ang paglilitis. “The Senate has no discretion to stop the trial,” aniya, at dapat itong magsimula “forthwith” o agad-agad bilang impeachment court.

Nagbabala rin si Pimentel na ang sinumang susubok hadlangan ang proseso ay posibleng lumabag sa Konstitusyon, kaya’t hinimok niya ang mga kapwa senador na gampanan ang papel bilang mga hurado, hindi bilang mga pulitiko dahil ito aniya ay sagradong tungkulin base sa itinatadhana ng Konstitusyon.ll

Sa panig ni Senate President Escudero, ipinaliwanag niyang ipinagpaliban niya ang proseso upang bigyang-daan ang pagpasa ng mga mahahalagang panukalang batas bago magsara ang kasalukuyang sesyon ng Kongreso.

Gayunman, lumitaw na mayroong draft resolution na layong ibasura ang kaso Ng impeachment laban kay Bise President Duterte.

Kinumpirma ito ni Senator Panfilo Lacson, at inilarawan itong “undated and unsigned.”

Babala ni Lacson, kung aaprubahan ito, maaari itong iapela sa Korte Suprema.

Sa nauna niyang pahayag, kinuwestyon ni Lacson ang lohika at estratehiya ng mga tangkang hadlangan ang paglilitis.

Samantala, pinaboran naman ng ilang senador ang pagpapatuloy ng proseso ng Impeachment sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, “Due process must be observed,” at nararapat lamang aniya na ang mga paratang ay harapin sa isang bukas at patas na paglilitis sa senado bilang impeachment court.

Sinabi rin ni Senador Alan Peter Cayetano na ang Senado mismo ang nasusubok sa kasong ito.

“The Senate here is on trial,” aniya kung saan ay Ipinunto rin ni Cayetano na nakatuon Ang Marami Pilipino kung paano ito gagampanan ng mga senador ng ayon sa itinatadhana ng batas.

Giit niya, ang paglilitis ay kailangang isagawa nang mabilis, makatarungan, at naaayon sa Saligang Batas. Nagbabala siya laban sa labis na pamumulitika at anomang pagtatangkang pangunahan ang resulta.

Sa panig naman ni Senator Joseph Victor JV Ejercito, sinabi niyang wala siyang nalalamang sabwatan o planong sirain ang proseso sa loob ng Senado o ipagpaliban ito.

Aniya, “They had all the time since December,” at dapat sana’y natapos na ito upang makabalik na sa normal na buhay ang taumbayan.

Iginiit niyang kailangan nang magpasya ang Senado nang hindi na pinatatagal pa para sa katahimikan ng lahat na makabalik sa normal na sitwasyon.

Ayon naman sa mga legal na eksperto, malinaw sa 1987 Konstitusyon na sa oras na matanggap ng Senado ang Articles of Impeachment mula sa Mababang Kapulungan, obligasyon na nitong magsagawa ng paglilitis ng agaran sapagkat ito anila ay sagradong kautusan sa 1987