Bongalon Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon

Panawagan ng Bicolano solon: Team Pilipinas ang suportahan wag Team China

18 Views

HINIMOK ng mambabatas mula sa Bicol ang mga Pilipino na manindigan para sa kabutihan ng bansa at ibasura ang mga kandidatong maka-China sa Mayo 12 elections.

Panawagan ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon sa mga botante, suportahan ang Team Pilipinas—ang senatorial ticket ng administrasyon na Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

“This is no ordinary election. It is a fight for the future of our country. We can either elect leaders who will defend our sovereignty and push for real reforms, or we let pro-China politicians regain power and sell our nation’s interests once again,” ayon kay Bongalon.

Sinabi niya na ang Team Pilipinas—binubuo ng mga kandidato mula sa mga partido ng administrasyon na Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP) at Partido Federal ng Pilipinas (PFP)—ang tanging tiket na may matibay na paninindigan sa pagtatanggol ng soberanya ng Pilipinas, pagpapababa ng presyo ng mga bilihin at pagsusulong ng kaunlaran ng bawat Pilipino.

Habang ang kabilang kampo aniya na maka-China ay ang mga kaalyado ng mga Duterte na nagpabaya sa mga mangingisdang Pilipino at nagpahina ng posisyon ng Pilipinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS).

“These pro-China politicians let Beijing trample on our rights in the West Philippine Sea. They made excuses for Chinese aggression and questioned our own legal victory in The Hague. Why should we allow them back into power?” tanong pa ni Bongalon.

Binanggit ng kongresista ang mga dating polisiya ng kampo ni Duterte na pumabor sa China sa pamamagitan ng kaduda-dudang kasunduan, malalaking utang at kawalan ng paninindigan laban sa pagpasok ng mga dayuhang barko, na patuloy na banta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino.

“They talk about patriotism, but their actions show otherwise. They welcomed China’s interference, they pushed for lopsided projects, and they even threatened our institutions when it suited them,” giit pa ng kongresista.

Hinimok ni Bongalon ang mga botante na maging mapagmatyag at mapanuri laban sa mga propaganda, disinformation at misinformation na maaaring gamitin ng oposisyon upang baluktutin ang katotohanan.

“This is an urgent battle, and we cannot afford to be complacent. If we want a Senate that will fight for Filipinos, we must reject pro-China politicians once and for all. Time is running out,” diin pa ng kongresista.

Binigyang-diin pa nito na ang Alyansa Para sa Bagong Pilipinas ay may “strong and reform-driven senatorial ticket that is committed to national security, economic growth and a government that prioritizes Filipinos above foreign interests.”

Ipinahayag ng lider ng Kamara mula sa Bicol ang kanyang masidhing panawagan habang nasa kampanya ang Team Pilipinas noong Sabado sa Davao del Norte sa Mindanao.