Just In

Calendar

January 2025
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Khonghun

Panawagan ni ex-Speaker Alvarez kay PBBM na magbitiw maagang pamumulitika– Rep. Khonghun

Mar Rodriguez Mar 31, 2024
141 Views

“First things first – one problem at a time.”

Dapat iwasan ng mga kaalyado at kaibigan ni Vice President Sara Duterte ang pagbibitiw ng mga pahayag na nagpapahiwatig nais na nitong palitan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na ang mandatong ibinigay ng mga Pilipino ay hanggang 2028.

“It’s becoming increasingly clear that supporters of VP Duterte, like (Davao del Norte) Rep. (Pantaleon) Alvarez, are impatient and unwilling to wait for the (May) 2028 presidential elections,” ani House Assistant Majority Leader Jefferson Khonghun ng Zambales.

Si Alvarez ay kilalang malapit na kaibigan ni dating Pangulong Duterte at kilalang kritiko ng Marcos administration. Siya rin ay nagkaroon ng alitan sa nakababatang Duterte noong 2018 na naging mitsa sa pagpapatalsik sa kanya bilang pinuno ng Kamara.

Ito ang inihayag ng mambabatas, na kabilang sa miyembro na tinatawag na “Young Guns” ng Mababang Kapulungan, sa unsolicited advice ni dating Speaker Alvarez sa Pangulo na magbitiw sa posisyon kung walang kakayahang resolbahin ang maritime conflict sa China.

“His (Alvarez’s) recent statements seem less about genuine concern for national strategy and more about orchestrating a shift in power before the due time. This rush betrays a disregard for the democratic electoral process and the will of the Filipino people,” ayon pa kay Khonghun.

Ipinaalala rin ng mambabatas kay Alvarez na si Marcos ang nakakakuha ng pinakamaraming boto sa kasaysayan ng mga kumandidato sa pagkapangulo, na umaabot sa 31 milyong boto, isang patunay na malakas ang suporta ng mga Pilipino sa kanya.

“One must consider the possibility that such calls for President Marcos Jr. to resign are part of a broader destabilization effort, aiming to unsettle the current administration and expedite a political transition that aligns with their interests,” diretsahang pahayag ni Khonghun.

“We must remain vigilant and discerning, recognizing these maneuvers for what they potentially are: a calculated attempt to undermine our democracy and manipulate the presidential succession for their gain,” dagdag pa ng mambabatas, na nagsasabing ang mga plano ng pagpapatalsik ay hindi dapat isama sa mga usapin sa pulitika.