Panawagan san kongresista sa PNP, DILG: Paigtingin kampanya vs sunod-sunod na krimen sa PH

Mar Rodriguez Feb 27, 2023
167 Views

NANANAWAGAN ngayon ang isang kongresista sa Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na kailangang nilang paigtingin ang kanilang kampanya laban sa kriminalidad matapos ang halos magkakasunod na krimen na tinaguriang “high profile killings”.

Nagpahayag ng pagkabahala si Palawan 3rd Dist. Congressman Edward S. Hagedorn binsod ng magkakasunod na insidente ng patayan kabilang na dito ang pag-ambush kay Lanao del Sur Gov. Mamintal Adiong na ikinasawi ng kaniyang apat na police escorts at kamakailan naman ay ang Mayor ng Maguindanao.

Sinabi ni Hagedorn na dahil sa sunod-sunod na pangyayari ay kinakailangang mas lalo pang paigtingin ng PNP at DILG ang kanilang pagkilos laban sa mga nangyayaring krimen sa bansa na makakasira aniya sa imahe ng pamahalaan partikular na sa kanila bilang mga anti-crime agency.

“Nakakabahal ang sunod-sunod na krimen sa ating bansa. Kailangang mas lalo pang paigtingin ng PNP at DILG ang kanilang kampanya laban sa nangyayaring krimen na ito dahil hindi malayong masira na naman ang imahe n gating gobyerno. baka isipan ng taumbayan ay walang ginagawa ang ating gobyerno,” paliwanag ni Hagedorn.