Louis Biraogo

Pandaraya ni Robredo, Smartmatic, PET at ang mga komunista

919 Views

ANG paalis na Bise-Presidente at ang “dagling magiging retiradong pulitiko” na si Leni Robredo ay dapat mapaalalahanan na kahit siya’y proklamadong panalo sa halalan para sa pagka bise-presidente, ang kanyang tinatawag na tagumpay ay kadudaduda dahil ito’y nababalot sa maraming anomalya.

Si Robredo, na nahihirapang magsalita ng derechong Ingles at nakapasa lang sa pagsusulit sa abogasya pagkatapos ng dalawang pagkakataon, ay isang pipityuging pulitiko galing Bicol na naging kandidato sa kahuli-hulihang minuto sa pagka bise-presidente ng Partido Liberal (PL) noong 2016.

Habang ang kanyang kaparehas sa pagtakbo ay tinambakan ni Pangulong Rodrigo Duterte, si Robredo naman ay naipanalo ang nakakompyuter na bilangan, at naiproklama sa napakanipis na kalamangan na 200,000 na boto lamang sa ibabaw ng kanyang katungali na si dating Senador Bong Bong Marcos (BBM).

Sa mga sumunod na iilang araw pagkatapos ng mismong araw ng eleksiyon, si BBM ay nangunguna ng ilang boto sa opisyal na bilangan. Kalaunan, sa mga makina ng Commission on Elections (Comelec), si Robredo ay bigla na lang nakahabol at ipinakitang siya ang panalo.

Si Robredo ay hindi ang tunay na pinili ng taumbayan. Ang Comelec ang nagluklok sa kanya na bise-presidente sa pamamagitan ng mga makinang pang-eleksiyon na pagmamay-ari ng Smartmatic. Ginawa din ang gayon ng Korte Suprema (KS) ng ito’y gumanap sa papel ng Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay sa ginawang protestang pang-eleksiyon na sinampa ni BBM laban kay Robredo noong 2016.

Ang kredibilidad ng Smarmatic ay pinagdududahan ng maraming bansa. Sa kabila ng anomalya, ang makinang pang-eleksiyon ng Smarmatic ay nakuha ng Comelec noong 2016 nang ito’y pinamumunuan ng isang dating abogado ni dating Presidenteng Noynoy Aquino, boss ng PL noong taon na iyon.

Nagkaroon ng padududa ang karamihan na ang bilangan, na dinaya para pomabor kay Robredo, ngunit si Pangulong Duterte ay hindi nakayanang dayain sa kanyang pagkapanalo dahil sa laki ng kalamangan nito na hindi naayos ng pandaraya sa kompyuter.

Ang mga opisyal ng Smartmatic na nagsusubaybay ng halalan noong 2016 ay pinatira sa Novotel Hotel sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City. Ito din yung hotel kung saan nakalagay ang Pangkalahatang Punong-tanggapan ng Partido Liberal. Ang Novotel ay pagmamay-ari ng pamilya ni Mar Roxas, ang natalong kaparehas sa pagtakbo ni Robredo noong halalan ng 2016.

Sa araw ng halalan, inihayag ng midya na marami sa mga makinang pang-eleksiyon ng Smartmatic ay nakatago sa ilang silid ng Novotel Hotel.

Pagkatapos ng naantalang pagsisiyasat sa hotel, si Andres Bautista, na noo’y Chairman ng Comelec, ay sinabing walang makinang pang-eleksiyon na nakita doon. Ngunit inamin naman din ng Comelec na hindi nasiyasat ang lahat ng mga silid ng hotel.

Noong Nobyembre 2017, si Bautista ay nagpunta sa labas ng bansa. Ngayon siya’y isang takas sa hustisya.

Tungkol naman sa PET, sapat nang sabihin na sa simula ng paglilitis ng protesta pang-eleksiyon na inihain ni BBM, ang kaso ay naitalaga sa isang Hukom na ang asawa’y matibay na taga-suporta ni Robredo at ng PL. Itong Hukom na ito naman ay hindi nagpadaig sa delicadeza na dapat kusang ipinasa sa ibang Hukom ang kaso dahil sa pagiging malapit ng asawa nito sa kampo ni Robredo.

May ulat ng balita na nagbunyag na noong Hulyo 2018, habang nililitis pa ang protestang pang-eleksiyon ni BBM, iilan sa mga tauhan ng PET na naatasan sa manwal na pagbibilang muli ng mga balota kaugnay sa protestang pang-eleksiyon ay dumalo sa isang outing sa Laguna na si Robredo ang isponsor. Nakipaghalubilo ang mga ito sa mga kinatawan ni Robredo sa gayong protestang plang-eleksiyon.

Kahit na sinabi ng PET na imbestigahan ang insidente, walang nangyari na kung ano.

Noong Pebrero 2021, pagkatapos lumipas ang limang taon, binasura ng PET ang kasong pang-eleksiyon ni BBM. Napagpasyahan ni BBM na hindi na lang i-akyat ang kaso sa Korte Suprema (KS) dahil ang PET ay binubuo ng mga iilang Hukom na galing sa KS, at hindi na maasahan na babaliktarin pa ng mga ito ang sarili nilang hatol. Bukod dito, ang eleksiyon ng 2022 ay halos isang taon at kalahati na lang ang layo, kaya wala ng saysay ang pagsisikap.

Ang PET ay may nakalaang perang gugulin sa paglilitis ng eleksiyon pang-protesta ni BBM. Ngayong winakasan na ng PET ang paglilitis ng protestang pang-eleksiyon ni BBM, ang PET ay hindi na dapat tumatanggap pa ng paglalaan galing sa pamahalaan. Sa dami ng mga Pilipinong nagugutom at walang trabaho, titiyakin dapat ng Commission on Audit (COA) hindi na napaglalanan ng pera ang PET.

Ipinapakita ng mga pananaliksik sa pulso ng mga mamboboto na si BBM ang nangunguna. Mabuti naman kung gayon dahil bilang Pangulo ma-imbestigahan at makikita ni BBM kung ang PET ay tumatanggap pa rin ng pera ng bayan kahit winakasan na ang paglilitis ng protestang pang-eleksiyon nito.

Sa gayong pananaliksik ay ipinapakita din ang napakalayong agwat ni Robredo at ang kanyang kaparehas sa pagtakbo na si Francis Pangilinan, kung saan pumapangalawa ang magkaparehas, na kahit na ang pumapangatlong kupunan sa ginawang pananaliksik, ang mayabang na sugarol na alkalde ng Maynila, si Isko Domagoso, at ang kaparehas sa pagtakbo nito na si Doc Willie Ong, ay hinuhulaang lalampasuhin ang tambalang Robredo-Pangilinan ng BBM-Sara.

May mga ulat sa balita na dahil desperado na ang kampo ni Robredo at Pangilinan ay nakipagsabwatan ang dalawa sa komunistang Joma Sison at ang CPP/NPA/NDF.

Desperado kaya talagang kumakapit na sa patalim sina Robredo at Pangilinan. Tsk, tsk.