Calendar
Pangangailangan ng agarang aksyon sa climate change muling iginiit ni PBBM
MULING iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng agarang aksyon upang malimitahan ang epekto ng climate change.
Pumabor naman si European Council President Charles Michel sa pahayag ni Marcos na dapat ay agarang magamit ang green fund para sa climate change.
“We couldn’t agree with you more,” sabi ni Michel kay Marcos sa kanilang pagharap sa ASEAN-EU working luncheon.
Ang Green Climate Fund (GCF) ay isang financial mechanism ng United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).
Itinutulak nito ang low-emission at climate-resilient development sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa mga bansa upang mabawasan ang kanilang greenhouse gas emissions (GHGs).
Ayon kay Michel handa ang EU na makipagtulungan sa Pilipinas at ASEAN upang matugunan ang problema sa pagbabago ng panahon partikular sa paggamit ng green technology.