Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
PBBM

Pangulong Marcos hindi dadalo sa APEC Summit sa Peru

Chona Yu Nov 7, 2024
157 Views

HINDI dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Lima, Peru sa Nobyembre 10 hanggang 16, 2024.

Sa halip, sinabi ni Presidential Communications Office Secretyary Cesar Chavez na si Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque na lamang ang magsisilbing Special Envoy ng Pangulo sa APEC Economic Leader’s Week.

Paliwanag ni Chavez, kaya hindi dadalo si Pangulong Marcos sa naturang pagpupulong dahil uunahin nitong tutugunan ang domestic concernes sa bansa.

Tinutukan aniya ni Pangulong Marcos ang pagresponde ng gobyerno sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo.