bbm

Pangulong Marcos jr., nakakuha ng mataas ng grado sa Senado

215 Views

MATINDING THUMBS UP ang ibinigay ng mga senador kay Pangulong Ferdinando Marcos jr., kung saan ay binigyan din nila ito ng gradong 99 sa kanyang kauna unahang State of the Nation Address (SONA) na inilahad sa taumbayan nitong nagdaang LUnes, July 25.

Ayon kay Senador Christopher Bong Go , kahanga hanga ang Pangulo sa ginawang paglalahad nito sa kanya mga adhikain para sa bayan partikular ang malakas na posisyon nito na pag ibayuhin ang healthcare system.

Ayon kay Go ang plano ng pangulo na pagtatayo ng mga ospital sa iba’t ibang probinsiya ay pagbibigay ng kasiguruhan sa bawat Pilipino na mahalaga ang kanilang buhay at handa silang kalingain ng ating kasalukuyan gobyerno.

Ayon naman kay Sen. Jose Jinggoy Estrada ang SONA ng Pangulong Marcos ay makatotohanan at isang matinding paghamon para sa bawat isa lalo na sa mga halal ng taumbayan.

Ang “no lock down policy ” umano ni Marcos Jr. ayon kay Sen. Estrada ay makapagbibigay ng kahingahan sa mga negosyante gayundin sa mga trabahador o mangagawa na lubhang napipilay sa bawat lockdown na nangyayari.

Sinabi naman ni Senator Joseph Victor Ejercito Estrada na ang kanyang Universal Law na naipasa na ay sadyang makatutulong sa taumbayan at ito aniya ay maihahambing sa mga iniulat ng punong ehekutibo sa kanyang unang SONA.

Sa isang panayam kay Senador Juan Edgardo Sonny Angara, sinabi nito na kapuri puri si Marcos jr., dahil na rin sa ipinakita nitong kaseryosohan sa pagsasaayos ng kabuhayan at enerhiya ng bansa.

Binanggit din ni Angara ang e-governance na bibigyan halaga ng kasalukuyan gobyerno upang mapadali ang mga pagsasaayos ng mga papeles at transaksyon ng bawat Pilipino sa anumang bagay.

Inaasahan din ni Angara na mapapabilis ng Mataas na Kapulungan ang mabilis na aksyon at pagsasaayos ng National Budget na siyang magiging sandalan para makakilos ang ating pamahalaan sa kanilang mga plano at adhikain.

“Mismong si House Speaker Romualdez po ay nagbigay sa amin ng assurance na kapag naipasa na sa lower house ang version ng national budget ay agarang nilang aaksyunan ito upang masiguro na aabot ito para sa January 1, 2023 na deadline para maipasa ng dalawang Kongreso.” Ani Angara.

Ayon naman kay Sen. Joel Villanueva kahanga hanga ang paghahanda na ginawa ng Pangulo at hindi aniya biro ang pagbibigay ulat nito na ginawa para sa sambayanan.

Gayunman, nais ni Villanueva na pag ukulan din ng pansin ng Pangulo ang agarang pag sasa ayos at pagpupulong ng LEDAC (Legislative Executive Development Advisory Council) upang talakayin ang 19 na planong inilahad ng pangulo sa kanyang SONA.

Hindi rin nagpahuli si Sen. Bong Ramon Revilla sa pag sabing hinigitan ng pangulo ang mga inaasahan ng taumbayan kung saan ay ipinakita aniya nito ang kanyang kahandaan na bigyan pansin ang mahahalagang bagay na kinakailangan ng bansa.

“His message is an assuring testament that our nation is led by a visionary who has a concrete plan for steering the government to effect positive changes for the Filipino people. Sincerity is overwhelmingly felt in his message rooted in his genuine and earnest desire to serve the country,” ani Revilla.

“Isasakatuparan niya ang tunay na reporma para sa magsasakang Pilipino na naglalayon na matugunan ang nagbabadyang krisis sa pagkain gaya na lamang ng mga naihain na nating mga panukalang batas sa simula ng buwan na ito: SBN 23 – Pantawid Magsasakang Pilipino Act, at SBN 30 – Kabalikat sa Agrikultura at Pagkain na tutugon sa hinaing ng mga magsasaka at mga konsumers.” dagdag pa ni Revilla.

Para naman sa bagitong senador na si Robin Padilla, kahanga hanga aniya ang ipinakitang paghahanda ni Pangulong Marcos sa mga isyung kinakahap ng bayan sa kasalukuyan upang makabangon muli at makalabas sa kasalukuyan sitwasyon.

“Napapanahon po ang mga bagay na inilahad ng Pangulo at malaking bagay na may tamang pagpaplano pati na rin pang unawa sa mga pinag daraanan ng ating mga kababayan. Ang mga pagbabagong ito na inihain niya sa sambayanan Pilipino ay ramdam ng lahat kung gaano siya ka sincero sa pagsasaayos ng mga problema na kinakaharap ng bansa.” ani Padilla.

Para naman kay Sen. Grace Poe ang SONA ng pangulo ay Forceful and aggressive.

“We laud the President’s SONA for being pointed, forceful and aggressive. It confronted gut issues head-on such as hunger that puts at the center the continuation of the feeding program for children and boosting the agricultural sector.” ani Poe na nagbigay puri kay Marcos dahil na rin sa maigting nitong pagtayo para sa mga ari-arian at kasarinlan ng bansa.

“By vowing not to give up even a square inch of Philippine territory, he stood firm in defending our sovereignty as well as protecting the livelihood of our fishers who risk life at sea to put food on our tables. The digitalization of government services is a program that is well past due.” ani Poe.

Para naman kay Opposition Senator Risa Hontiveros ang kaseryosohan ng presidente na hawakan ang Department of Agriculture bilang centerpiece na kanyang programa kung saan ay inihayag din niya ang kanyang agam agam sa napapabalitang krisis sa pagkain na aniya ay pwedeng magresulta na catastrope sa bansa sakaling hindi mabigyan ng tamang aksyon