Calendar
Pangulong Marcos walang balak tigukin mga drug addict
WALANG balak si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patayin ang mga taong lulong sa illegal na droga.
Sa ikatlong State of the Nation Address, ibinida ni Pangulong Marcos ang mga nakumspikang illegal na droga at ang mga naarestong drug suspect.
“Extermination was never one of them,” pahayag ni Pangulong Marcos.
Mistulang pasaring ito ni Pangulong Marcos sa naging madugong anti drug war campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan mahigit 6,000 na drug personalities ang napatay.
Ayon sa Pangulo, sa mahigit na 75,000 na operasyon, mahigit P40 bilyong halaga ng illegal na driga ang nakumpiska at naaresto naman ang 97,000 na drug personalities.
Mahigit 6,000 ang naarestong high-value targets kung saan 440 sa mga ito ay mga empleyado ng gbyerno, 42 ang mga uniformed personnel at 77 ay mga elected officials.
Aabot sa mahigit P500 milyong pera ang na-freeze at na-preserve na.
Ibinida pa ni Pangulong Marcos na dahil sa malakas ang mga kaso, 79 porsyento ang naging conviction rate.