Calendar
Panukala na magpapadali sa pagbabayad ng buwis inaprubahan ng Kamara
PASADO na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na magpapadali sa pagbabayad ng buwis.
Sa botong 250 pabor, walang tutol o abstention, inaprubahan ng Kamara de Representantes ang panukalang Ease of Paying Taxes bill o House Bill (HB) 4125.
Kumpiyansa si House Ways and Means committee chairman Joey Sarte Salceda ng Albay na agad na maipapasa ng Senado ang katulad na panukala ng HB 4125 at posible na ito ang maging unang tax measure na maaprubahan sa ilalim ng Marcos administration.
Ayon kay Salceda gagawing simple ng panukala ang paghahain ng atx returns ng mga maliliit na tax payer upang mas dumami ang sumusunod sa tax rules and regulations.
Magkakaroon na rin medium taxpayer classification at isang special unit ang babalangkasin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para rito.
“We are significantly simplifying requirements for small businesses, removing “taxpayer friction” such as registration fees and the need to file taxes in specific locations, and lifting restrictions such as situs rules and the invoice-receipt difference that prevent tax administration from going fully digital,” sabi ni Salceda.
Sinabi ni Salceda na mayroong mga taxpayer na hindi na lang nagbabayad o nagpoproseso ng kanilang mga dokumento dahil nahihirapan sa susundang proseso.
Sa ilalim ng panukala ay kahit na saang BIR revenue district ay maaari ng maghain ng tax returns at magbayad ng buwis hindi katulad ngayon na mayroong partikular na revenue district kung saan lamang maaaring mag-asikaso ng kanyang dokumento ang isang tax payer.
“These venue rules prevent us from a fully digital tax payment system. That’s very bad for foreign investment, especially startups, whom we need to solve much of our socioeconomic rigidities,” punto ni Salceda.
Tatanggalin na rin ang P500 annual taxpayer registration fee.