Fernandez

Panukala vs pekeng kidnap inihain

Mar Rodriguez Sep 28, 2022
217 Views

BAGAMA’T hindi masyadong pamilyar at bago sa pagdinig ng publiko ang tinatawag na “fake o hoax kidnapping”. Subalit nais ng isang Northern Luzon congressman na patawan ng mabigat ng kaparusahan ang mga taong nasa likod, sangkot at nagsagawa ng isang pekeng pag-kidnapp kapalit ng napakalaking halaga ng ransom.

Ipinaliwanag ni Santa Rosa City Lone Dist. Cong. Dan S. Fernandez na bagama’t marami ang pamilyar sa kidnap-for-ransom o puwersahang pagdukot sa isang biktima kapalit ng napaka-laking halaga ng ransom. Subalit nabatid sa kaniya na nitong mga nakalipas na taon ay sumulpot ang isang uri at pamamaraan ng kidnapping.

Sinabi ni Fernandez na ang panibagong uri o pamamaraan ng kidnapping sa kasalukuyan ay ang tinatawag na “hoax o fake” kidnapping. Kung saan, ang biktima mismo ang siyang nagpa-plano ng pagkinapp sa kaniya para tubusin ito ng kaniyang pamilya kapalit ang malaking halaga ng ransom na siya rin mismo ang makikinabang.

Dahil dito, isinulong ni Fernandez ang House Bill No. 539 sa Kamara de Representantes na naglalayong papanagutin at maparusahan ang mga taong nagsagawa ng pekeng kidnapping. Kabilang na ang mismong biktima na sinadyang magpa-kidnap para makakuha ng malaking ransom sa kaniyang sariling pamilya.

Nabatid din kay Fernandez na hindi na lamang ang totoong kidnapping ang tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) kundi maging ang mga pekeng kidnap-for-ransom o “fake kidnapping” na isinasagawa mismo ng biktima para huthutan ng pera ang kaniyang sariling pamilya sa pamamagitan ng pagbabayad ng ransom.

Ayon sa kongresista, naitala umano ng PNP-Anti-Kidnaping Group (PNP-AKG) ang tinatayang 35 kaso ng hoax kidnapping sa bansa mula noong 2017 hanggang 2019. Bagama’t hindi naman aniya nakasaad sa ulat ng Kapuslisan kung nadakip o napanagot ang mga taong nasa likod ng nasabing pekeng pag-kidnapp.

“In the recent years, a new type or kind of kidnapping has emerged. Known as fake or hoax kidnapping, it happens when the supposed “victim” staged his or her own kidnapping or the purpose of extorting ransom from the victims own family or other entities or coercing the latter to do or not to act,” sabi ni Fernandez.

Idinagdag pa ng mambabatas na: “The problem with hoax kidnapping is that there is no such specific and distinct crime that is defined and penalized either in the Revised Penal Code or in our special statutes. The perpetrators of these fake kidnappings are charged only for violations of Article 318 with imprisonment of one month and one day to six months”.