Panukalang batas na magpaparusa sa mga hindi nagbabayad ng buwis lumusot na sa Kongreso

Mar Rodriguez May 30, 2023
130 Views

INIHAYAG ni House Speaker Ferdinans Martin Gomez Romualdez na pumasa na sa Mababang Kapukungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong patawan ng mabigat na kaparusahan ang mga tiwaling negosyante na sinasadya ang hindi pagbabyad ng buwis o ang tinatawag na “racketeering”.

Sinabi ni Speaker Romualdez na sa pamamagitan ng botong 276 na pabor at walang kumontra. Pinagtibay na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 8144 o panukalang nagsusulong na ituring na krimen ang “tax racketeering” at magpataw ng mabigat na parusa laban sa mga sangkot sa ganitong masamaing gawain.

Ayon sa House Speaker, aamyendahan ng nasabing panukala ang Section 257 o National Internal Revenue Code.

Ipinaliwanag ni Speaker Romualdez na kapag sinabing “tax racketeer”. Nangangahulugan umano ito na ang isang indibidwal ay umiiwas o sinasadyang hindi nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng “systematic at coordinated scheme” o gumagamit sila ng mga pekeng resibo, returns, o record na ang halaga ay hindi bababa sa P10 million.

Idinagdag pa ng House Speaker na nasa ilalim ng House Bill na ang mahahatulan ay makukulong ng labing-pito hanggang dalawang-pung taon taon at papatawan ng multa habang ang kasabwat naman ay makukulong ng sampu hanggang labing-pitong taon.

Ayon pa sa House Speaker, target ng panukala na mapigilan o matuldukan ang mga modus o pakana, na nagdudulot ng pagkawala ng bilyong-bilyong pisong kita sa pamahalaan at nakakaapekto sa mga Pilipino.

Sinabi pa ni Romualdez na maraming sindikato at mga “bogus business” ang gumagawa ng tax racketeering, kaya napapanahon na aniyang mapanagot ang mga ito.

Nauna nang sinabi ni House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Congressman Joey Sarte Salceda na aabot sa P100 billion ang tax revenue na nawawala kada taon dahil sa tax evasion at tax racketeering.