Calendar
Panukalang batas na makakapag-bigay ng libre at discounted na funeral services inaprubahan na ng House Committee on Poverty Alleviation
INAPRUBAHAN na ng House Committee on Poverty Alleviation ang panukalang batas na makakapag-bigay ng libre at discounted na burol, libing at iba pang funeral services para sa mga namatayang indigent Filipinos o mga mahihirap na pamilya na walang kakayahang magbayad ng ganitong uri ng serbisyo.
Ito ang nabatid kay 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L.. Romero, Ph.D., chairman ng Committee on Poverty Alleviation, na napaka-laking tulong at kaginhawahan para sa mga mahihirap na mamamayan ang nasabing panukala dahil babawasan nito ang mabigat na pasanin sa kanilang balikat sa panahon na sila’y mamatayan ng mahal sa buhay.
Sinabi ni Romero na napakahirap para sa isang maralitang pamilya ang mamatayan ng mahal sa buhay. Sapagkat bukod sa matinding kalungkutan na kanilang nararamdaman ay dumadagdag pa dito ang malaking gastusin na kanilang haharapin para sa burol at pagpapalibing.
Ipinaliwanag pa ni Romero na para makakuha sila ng kakailanganing gastos para sa burol at pagpapalibing ng namatay nilang mahal sa buhay ay napipilitan silang mangutang o magsanla ng kanilang kagamitan.
Gayunman, idinagdag pa kongresista na sa ilalim ng nasabing panukalang batas. Maaari ng makatanggap ng libre o discounted na funeral services upang matulungan silang huwag masyadong mabigatan sa mga gastusin.
Ayon kay Romero, sa ilalim ng naturang batas. Maaaring mag-avail ang ng libreng funeral services ang mga tinatawag na “extremely poor families” o yung mga nabubuhay na mas mababa pa sa poverty threshold batay sa inilabas na ulat ng National Economic and Development (NEDA).