Dy

Panukalang batas na naglalayong ma-identify ang iba’t-ibang Tourism Development Areas sa Isabela isinulong

Mar Rodriguez Feb 23, 2023
227 Views

ISINULONG ngayon ng isang Northern Luzon congressman ang kaniyang panukalang batas sa Kamara de Representantes na naglalayong ma-identify ang iba’t-ibang Tourism Development Areas o mga makasaysayang lugar sa kanilang lalawigan. Kasunod nito ang pagtatatag ng Isabela Tourism Council.

Aminado si House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno” A. Dy V na maraming potential tourism destination o areas sa kanilang lalawigan subalit bunsod ng kakulangan ng suporta mula sa pamahalaan kaya hindi ito masyadong nade-develop.

Ipinaliwanag ni Dy na ang larangan ng agrikultura ang pangunahing pinagkukuhanan ng kabuhayan ng kaniyang mga ka-lalawigan. Ngunit ang sektor ng tourism ang isa rin sa tinatawag na “source of economic growth” ng Isabela dahil sa mga makasaysayang lugar o tourist destination na matatagpuan dito.

Sinabi ni Dy na kabilang sa mga tourist spots sa Isabela na maituturing na “potential tourist detination” ay ang Aguinaldo Shrine, Bonsai Forest, Crocodile Sanctuary of San Mariano, Dibulo Falls, Dicotcotan Beach, Fuyot Springs National Park, Maconacan Falls, Magat Dam Tourism Complex at iba pa.

Dahil dito, nais ni Dy na ma-identify sa pamamagitan at tulong na rin ng Department of Tourism (DOT) ang iba’t-ibang Tourism Development Areas sa kanilang lalawigan upang bigyang daan ang pagtatatag ng Tourism Development Plan para sa nasabing lalawigan na magbibigay naman ng magandang oportunidad para sa mga taga-Isabela sa larangan ng kabuhayan at negosyo.

Naniniwala ang mambabatas na malaki ang maitutulong ng Tourism Department upang matamo ng Isabela ang inaasam nitong vision para makilala at maging tanyag ang kanilang lalawigan bilang isa sa mga sikat na Tourist Destination na lalo pang magpapaunlad ng kanilang kabuhayan.