Panukalang batas na nagtatakda ng maritime zone ng Pilipinas pumasa na sa Kongreso

Mar Rodriguez May 30, 2023
186 Views

PUMASA na sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na magtatakda at magdedeklara ng maritime zones na sakop ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng boto na 284, nakuha ng panukala na layong tukuyin at ideklara ang bahagi ng maritime area ng Pilipinas salig sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.

Sakop nito ang internal waters, archipelagic waters, 12 nautical mile ng territorial sea, 24 nautcial miles ng contiguous zone, 200 nautical miles ng exclusive ecnomic zone at 200 natuical miles ng continental shelf

Kilalanin din nito ang sovereign rites ng Pilipinas sa naturang mga lugar kabilang ang karapatan na i-expore at i-exploit a non-living resources na makiktia rito salig sa UNCLOS.

Nakapaloob din dito ang “Reciprocity and Mutuality” provision kung saan bibigyang karapatan ang Pilipinas na hindi padaanin ang anomang foreign vessels o aircraft na hindi sangayon sa probisyon ng UNCLOS.

Diin ng mga kongresista mahalagang matukoy ang sakop ng Philippine maritime territory para sa ating food at economic security gayundin ay mapalakas ang posisyon ng bansa sa West Philippine Sea sa pakikipag-negosasyon sa ating mga kalapit bansa sa rehiyon.

Isa rin sa dahilan kung bakit itunulak ito ng Kamara ay bulang tugon sa patuloy na panggigipit sa ating mga mangingisda sa loob mismo ng ating exclusive economic zone bukod pa sa palagiang illegal passage sa ating katubigan.

Pagsuporta rin ito anila ito sa nauna nang pahayag ng Pang. Ferdinand R. Marcos Jr na hindi isusuko ng Pilipinas ang kahit katiting nitong teritoryo sa sinomang foreign power.
____________________