Vargas

Panukalang batas para pag-ibayuhin ang “fire safety” sa isinulong ni Vargas

Mar Rodriguez May 7, 2024
109 Views

ISINUSULONG ni House Assistant Majority Leader at Quezon City 5th Dist. Cong. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang isang panukalang batas sa Kamara de Representantes para mas lalo pang pag-ibayuhin at pagbutihin ang “fire safety” hindi lamang sa QC bagkos sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.

Bilang paggunita sa “International Firefighters Day, nilalayon ng inihaing panukalang batas ni Vargas na maglagay ng mga “firehose cabinets” sa iba’t-ibang establisyemento at sangay ng pamahalaan kabilang na ang mga Barangay sa pamamagitan ng “150-meter-intervals”.

Sinabi ni Vargas na ang pagsusulong nito ng nasabing panukala na may pamagat na “Fire Proof Barangay Act” ay resulta ng isinagawa nitong consultation sa mga kagawad ng QC Fire Bureau upang tulungan silang sa pamamagitan ng mabilis na pag-responde sa panahon ng sunog.

Ipinaliwanag din ng kongresista na matapos ang mahabang pakikipag-usap nito sa mga tauhan ng QC Fire Bureau inihain nito ang kaniyang panukalang batas batay sa matagal ng “concern” ng mga kagawad ng pamatay sunog o bumbero ng Lungsod kaugnay sa paglalagay ng “firehose cabinet”.

“Providing accessible firehose would bolster the capacity of our firefighters to respond and significantly enhance the communities’ resilience to fire-related incidents. This initiative is a commitment to proactive disaster management and a product of listening to long-standing concerns raised by brave fighters in the District,” wika ni Vargas.