Madrona

Panukalang batas para pag-ibayuhin sports sa Mindanao tinalakay ng House committe on tourism

Mar Rodriguez Nov 22, 2022
261 Views

DAHIL unti-unti ang Mindanao mula sa dating masamang imahe nito bilang pugad ng karahasan at terorismo. Tinalakay ngayon sa House Committee on Tourism ang isang panukalang batas na naglalayong pag-ibayuhin ang larangan ng sports sa nasabing rehiyon.

Sinimulan na ng Komite na pinamumunuan ni Romblon Lone Dist. Eleandro Jesus F. Madrona, ang deliberasyon sa House Bill No. 5967 na ipinalit sa HB No. 1861 (substitution) na nagde-deklara sa Mindanao Civic Center Complex sa Lanao del Norte bilang isang Sport Tourism Destination.

Sa panayam ng People’s Taliba, sinabi ni Madrona na ngayong unti-unti ng nakakabangon ang rehiyon ng Mindanao mula sa dating masamang imahe nito. Panahon na para tulungang umunlad ang Mindanao sa pamamagitan ng mga magagandang oportunidad na matatagpuan dito.

Ipinaliwanag ni Madrona na maraming magagandang oportunidad sa nasabing rehiyon tulad ng magagandang “tourist destinations” nito subalit hindi lamang masyadong napapakinabangan. Bunsod narin ng malaking takot na idinulot ng mga kaguluhan dito.

Ayon sa kongresista, ang isa sa magandang oportunidad na mayroon ang Mindanao ay ang magarang Civic Center Complex sa Lanao de Norte na itinuturing na isang “world-class facility” para maging isang “sports venue” na gagamitin para sa iba’t-ibang sports events.

Binigyang diin ni Madrona na sakaling maging isang ganap na batas ang House Bill No. 1861 na isinulong ni Lanao del Norte 1st Dist. Mohamad Khalid Q. Dimaporo malaki aniya ang maitutulong nito upang maengganyo ang mga taga Mindanao na lumahok sa larangan ng sports.

“The Mindanao Civic Center Complex known for its world-class facilities for sports and venue different sporting event is hereby declared a spports tourism destination,” sabi ni Madrona sa deliberasyon ng House Committee on Tourism kaugnay sa HB No. 1861.