Magsino

Panukalang batas para protektahan “Persons with Autism” inihain

Mar Rodriguez Apr 28, 2023
251 Views

ISINUSULONG ng One Filipinos Worldwide (OFW) Party List Group sa Kamara de Representantes na maprotektahan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga taong may autism o tinatawag na “Persons with Autism” sa pamamagitan ng panukalang batas na inihain nito sa Kongreso.

Sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na ang autism o mas kilala bilang “Autism Spectrum Disorder” (ADS) ay may iba’t-ibang “level of severity” subalit mas pamilyar ang tinatawag na “deficit in social communication” o ang handicap sa pagsasalita o pakikipag-usap.

Ipinaliwanag ni Magsino na dumulog sa kaniya ang pamilya ng mga taong mayroong “Autism” at nakita nito ang hirap na kanilang pinagdadaanan sa pamamagitan ng “emotional at financial” dahil sa maliit na suportang ibinibigay ng pamahalaan para sa may mga ganitong kalagayan.

“I have been approached by families caring for persons with autism (PWAs) and I can see how emotionally and financially challenging it is for them partly because there is little support from our government institutions for PWAs. Almost all their expenses are out pocket especially the costs for occupational and speech therapies,” paliwanag ni Magsino.

Dahil dito, inihain ni Magsino ang House Bill No. 7829 na naglalayong maisulong ang tinatawag na “environment” o isang kapaligiran na makakatulong para sa mga persons with Autism upang sila ay makahalubilo sa lipunan katulad ng isang ordinaryong mamamayan.

“House Bill No. 7829 also provides protection for PWAs against discrimination in insurance coverage and in education. As well as mandatory Philhealth coverage and equal employment opportunities. More importantly the proposed measures mandates the Philippine Council Mental Health in coordination with relevant agencies to develop and regularly update a National Autism Care Plan (NACP),” sabi pa ni Magsino.