Romero1

Panukalang batas para sa modernisasyon ng NFA isinulong ng 1-PACMAN Party List Group sa Kamara

Mar Rodriguez Mar 16, 2023
248 Views

LAYUNIN ng 1-PACMAN Party List Group sa Kamara de Representantes na maisulong ang modernisasyon ng National Food Authority (NFA) sa pamamagitan ng panukalang batas na inihain nito para lalong pang gawing epektibo ang tungkulin ng ahensiya sa pagdi-distribute ng bigas sa buong bansa.

Inihain ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D. ang House Bill No. 5860 upang magkaroon ng modernisasyon sa NFA sa pamamagitan ng paglalaan ng karampatang pondo mula sa pamahalaan para mapanatili ang operasyon nito bilang “buffer stock” ng bansa.

Iminumungkahi ni Romero sa kaniyang panukala ang paglalaan ng P500 million para sa pondo ng NFA alinsunod naman sa ibibigay na recommendation ng Department of Budget and Managent (DBM). Kabilang na dito ang budget proposal para naman sa Department of Agriculture (DA).

Ipinaliwanag ni Romero na napakahalaga aniya ang papel na ginagampanan ng NFA sa pamamagitan ng distribusyon sa supply ng bigas sa buong bansa. Kabilang sa mga tungkulin ahensiya ay ang “acquisition, maintenance at distribution” ng bigas sa pamamagitan ng buffer stock.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Romero, nais ng kongresista na magkaroon ng tinatawag na “modernization funding” para sa NFA upang mapanatili ang maayos na inventory at supply ng mga bigas na magmumula naman sa mga local farmers na ipamamahagi din sa panahon ng emergency sa bansa katulad ng kalamidad.

“This Bill seeks to provide modernization funding to the National Food Authority (NFA) to maintain an optimal level of national rice inventory to be sourced solely from local farmers and to distribute rice during emergency, calamity situations and sustain the disaster relief programs of the government,” paliwanag ni Romero.