Calendar
Panukalang batas para sa term of officer ng bgy, SK officials ikinagalak ni Dy
๐๐๐๐๐ก๐ ๐ถ๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฐ๐ผ-๐ฎ๐๐๐ต๐ผ๐ฟ๐ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ถ๐น๐น ๐ก๐ผ. ๐ญ๐ฌ๐ณ๐ฐ๐ณ ๐ป๐ฎ ๐ถ๐ป๐ถ๐ต๐ฎ๐ถ๐ป ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐ฆ๐ฝ๐ฒ๐ฎ๐ธ๐ฒ๐ฟ ๐ ๐ฎ๐ฟ๐๐ถ๐ป ๐. ๐ฅ๐ผ๐บ๐๐ฎ๐น๐ฑ๐ฒ๐, ikina๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ ๐ป๐ถ ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ฝ๐๐๐ ๐ ๐ฎ๐ท๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐๐ฒ๐ฎ๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ ๐๐๐ฎ๐ฏ๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฒ๐๐ต ๐๐ถ๐๐. ๐๐ฎ๐๐๐๐ถ๐ป๐ผ “๐๐ป๐ป๐ผ” ๐. ๐๐ ๐ฉ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ถ๐บ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐ผ๐ป๐ด ๐๐ฒ๐ฟ๐บ๐ถ๐ป๐ผ ๐ผ “๐๐ฒ๐ฟ๐บ ๐ผ๐ณ ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ” ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ป๐ด๐ด๐๐ป๐ถ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐ผ๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ถ๐ฎ๐น๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ.
Ayon sa House Deputy Majority Leader, nararapat lamang na magkaroon na ng 6 six-year term of office ang mga nahalal na barangay at SK officials upang hindi na maging masilimuot ang sistema ng kanilang panunungkulan.
Paliwanag ni Dy, hindinaiiwasan na kadalasan ay nagkakaroon ng kalituhan at kaguluhan ang panunungkulan ng mga barangay at SK officials dahil sa tinatawag na pabago-bagong term of office ng mga ito. Aniya, kalimitan ay nagkakaroon ng extension sa kanilang termino dahil sa postponement ng Barangay elections.
Idiin ni Dy na maituturing na “right timing” ang nasabing panukalang batas dahil maiiwasan na nito ang pabago-bagong term of office ng mga barangay at SK officials.
Pinapurihan din ng kongresista si Speaker Romualdez matapos nitong ihayag na malapit ng maging miyembro ng Social Security System (SSS) ang mga barangay officials sa buong bansa kung saan, wala silang babayaran kahit singko.