BI suportado kampanya vs POGOs
Feb 23, 2025
Mag-jowa wiz visible sa socmed mga ganap
Feb 23, 2025
Calendar

Nation
Panukalang budget para sa 2023 isusumite ng Palasyo sa Kongreso sa Agosto 22
Peoples Taliba Editor
Jul 30, 2022
185
Views
Plano ng Malacañang na isumite sa Kongreso ang panukalang national budget para sa 2023 sa Agosto 22.
Ito ang ipinabatid ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa media matapos ang isinagawang special Cabinet meeting ngayong Biyernes, Hulyo 29.
Sinabi ni Cruz-Angeles na mayroon pang ginagawang “fine tuning” sa panukalang budget upang maging angkop ito sa pangangailangan ng bansa.
Ayon kay Cruz-Angeles nakatakdang isumite ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga kinakailangang dokumento kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Agosto 19.
Matapos ang apat na araw na pagrepaso rito ni Marcos ay ipadadala na niya ito sa Kongreso.