Bingo

Papremyo sa ‘Big Time Bingo Milyonaryo’ ng PAGCOR aabot ng P13M

386 Views

AABOT sa P13 milyon na papremyo ang naghihintay sa mga bingo lovers sa gaganaping “Big Time Bingo Milyonaryo” linked games ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Disyembre 7.

Sabay-sabay magsisimula ang laro alas-2 ng hapon sa Casino Filipino branches sa Angeles City (host), Bacolod, Cebu, Fuente, Grand Regal, Ilocos Norte, Iloilo, Mactan, Malabon Grand, Olongapo at Tagaytay, pati na rin sa Okada Manila at Winford Resorts; Casino.

Bawat P3,000 ticket ay may tig-apat na bingo cards kada game para sa 10 games. May P1 milyon na premyo mula Game 1 hanggang 9, habang sa Game 10 ay nakaabang ang garantisadong P3 milyon “must-go” jackpot.

Pawang tax-free ang lahat ng premyo.

Ayon sa PAGCOR, layunin ng event na maghatid ng saya ngayong holiday season at bigyan ng pagkakataong manalo nang malaki ang mga manlalaro sa isang masaya at ligtas na gaming environment.

Para sa detalye, bisitahin ang www.casinofilipino.ph o i-follow ang Casino Filipino sa Facebook.