Martin

Para hindi ma-late, Speaker Romualdez, SAF Lagdameo nag-subway

220 Views

Martin1

UPANG hindi ma-late sa kanilang appointment nag-subway sina Speaker Martin G. Romualdez at Special Assistant to the President Anton Lagdameo Jr. sa New York.

Masyado umanong mabigat ang daloy ng trapiko at nangamba ang dalawa na hindi sila umabot sa kanilang appointment kaya nagdesisyon na sumakay ng tren noong Miyerkoles ng gabi (oras sa Amerika)

Ang ginawa ng dalawa ay nakita sa Facebook post ni Juan Xavier Tengco.

“Due to the heavy traffic brought about by the United Nations General Assembly, had the opportunity to take Speaker Martin Romualdez and SAP Anton Lagdameo via subway just to make it in time for their next official meeting,” sabi ni Tengco sa kanyang post.

Sina Romualdez at Lagdameo ay bahagi ng delegasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ika-77 sesyon ng United Nations General Assembly (UNGA).