Aglipay

Para maikampanya ang mister, Justice Usec. Aglipay-Villar nagbitiw

306 Views

NAGBITIW si Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar upang makatulong sa kampanya ng mister na si dating Public Works Secretary Mark Villar.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra magiging epektibo ang pagbibitiw ni Aglipay-Villar sa Marso 21.

Tumatakbo ang mister ni Aglipay-Villar sa pagka-senador sa paparating na halalan.

Si Chief State Counsel George Ortha II ang hahalili sa mababakanteng puwesto ni Aglipay-Villar.