seminar

Para mas lalong gumanda ang performance: Mga kawani ng Speaker’s Office, Tingog party-list lumahok sa seminar

108 Views

seminarSUMALANG sa isang araw na training seminar ang mga staff ng tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party-list Representatives Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre upang mas gumanda ang kanilang performance.

Pinangunahan ni House Deputy Secretary General Sofonias P. Gabonada, Jr. ang seminar na ginanap sa Kamara de Representantes noong Marso 29.

Ang seminar sa umaga na may titulong “Creating a High-Performance Organization Thru Culture Change” ay ginanap sa Romualdez Hall.

Sa sesyon sa hapon, ang mga kalahok ay nahati-hati sa magkaka-ibang kuwarto. Ang mga technical staff ang nag-aral ng module kaugnay ng technical writing, at social media management.

Samantala, ang mga administrative staff naman ang tumalakay sa basic table setting and service habang ang mga drayber at miyembro ng security detail ay binigyan ng practical lesson sa basic VIP security.

Ayon kay DSG Gabonada ang seminar ay bahagi ng mga hakbang ng Office of the Speaker at Tingog Party-list sa pagsusulong ng pag-unlad ng kanilang mga kawani at upang mas lalong gumanda ang kanilang pagseserbisyo sa publiko.