Pacquiao

Para sayo ang laban na to, sa pagsusulong ni Sen. Pacquiao ng E-Commerce

Mar Rodriguez Feb 21, 2025
23 Views

Pacquiao1DUMAGUETE CITY – TULOY ang laban para sa tinaguriang “Pambansang Kamao” na si Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao. Subalit sa pagkakataong ito ay hindi sa loob ng “boxing ring” kundi para sa pagpapaunlad ng E-Commerce at pagsusulong ng digitalization sa bansa.

Ito ang ipinahayag ni Pacquiao na muli nitong itutuloy ang laban sa pamamagitan ng pagsusulong at pagpapaunlad ng E-Commerce at digitalization na inaasahang magpapabuti sa kalagayan ng bansa partikular na para sa ating ekonomiya at kabuhayan ng mamamayang Pilipino.

Binigyang diin ng boxing legend na sa paglulunsad ng Star Digital at Manila E-commerce center, mahalagang papel ang gagampanan ng E-commerce sa larangan ng negosyo, pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa at pagbibigay ng mas maraming oportunidad para sa mga negosyanteng Pilipino.

Ipinaliwanag ni Pacquiao na sa buong mundo, ang E-commerce ang nagdadala ng pag-unlad, lumilikha ng mga trabaho o job creation at pagbubukas ng pinto para sa mga negosyante at brand upang magtagumpay.

“Sa buong mundo. Ito ay nagdadala ng pag-unlad. Lumilikha ng mga trabaho at magbubukas ng pinto para sa mga negosyante at brand upang magtagumpay, naniniwala ako na may kakayahan ang Pilipinas na maging sentro ng rebolusyong ito,” wika ni Pacquiao.

Nabatid pa sa dating senador na sa pamamagitan ng isang event na dinaluhan nit, ipinakita ang papel ng Star Digital Solutions, isang bagong digital marketing at E-commerce agency na naglalayong tulungan ang mga negosyo sa pamamaraan ng content creation, livestreaming at iba pang digital solutions.

“Ang E-commerce ay hindi lang tungkol sa pagbebenta online. Ito ay tungkol sa paglikha ng oportunidad, pagpapalawak ng negosyo at pagsusulong ng ekonomiya,” dagdag pa ni Pacquiao.

Sinabi pa ng dating eight-division world boxing champion na tapos na ang kaniyang laban sa ibabaw ng boxing ring subalit tuloy parin ang paglaban nito sa kahirapan upang isulong ang bawat oportunidad na makakatulong sa mga mahihirap na mamamayan.

“Alam ko kung papaano magsimila sa wala. Alam ko ang pakiramdam ng lumaban para sa bawat oportunidad at alam ko rin kung gaa o kahalaga ang magkaroon ng tamang platform at tamang katuwang sa tagumpay,” ayon pa sa dating Senador.