Paraiso Shekainah Paraiso of EAC-Cavite. Photo by Robert Andaya

Paraiso nag-bida sa panalo ng EAC

Robert Andaya May 4, 2024
143 Views

PINAYUKO ng Emilio Aguinaldo College-Cavite ang Bestlink College of the Philippines, 60-56, sa pagpapatuloy ng aksyon sa 30th NCRAA (National Capital Region Athletic Association) women’s basketball tournament sa Olivarez gymnasium sa Parañaque City.

Nagsanib pwersa sina Shekainah Paraiso at Jujelyn Yap para sa panalo ng Cavite-based Lady Vanguards ni coach Maria Theresa Magno.

Nagtala si Paraiso ng 20 points matapos ang 7-of-18 shooting sa loob ng 25 minutong paglalaro. Meron din siyang apat na rebounds at tatlong steals.

Samantala, si Yap ay may 17 points, walong rebounds at seven steals.

Nag-ambag din si Arlyn Palad ng walong puntos at si Reign Pascua ng pitong puntos.

Pinangunahan ni Jane Cuison ang pagpupunyagi ng Bestlink ni coach Edwin Punio matapos siyang gumawa ng 13 points mula sa 5-of-7 pagtira sa field, at 12 rebounds sa loob ng 20 minutong aksyon.

Nagdagdag sina Alexis Lontoc ng 11 points, siyam na rebounds, at anim na steals at Ma. Claire Quinia ng 11 points

Meron din 10 points at 14 rebound si Ahley Estrabo.

The scores:

EAC-Cavite (60) — Paraiso 20, Yap 17, Palad 7, Pascua 6, Erasare 3, Bautista 2, Tello 2, Lotimo 2, Reyes 1, Villamar 0, Erece 0.
Bestlink (56) — Cuison 13, Lontoc 11, Quinia 11, Estrabo 10, Horcajo 3, Clarino 3, Bitoy 3, Pura 0.
Quarterscores: 8-13, 21-24, 40-41, 60-56.