Ibay1 Nagpasalamat si MPD chief P/BGen. Arnold Thomas Ibay sa mga pulis sa paghuli sa mga drug suspek at paglaban sa pagkalat ng ilegal na droga. Kuha ni JonJon Reyes

Parak-Manila nakasabat ng halos P1M na shabu

Jon-jon Reyes Feb 25, 2025
18 Views

NAKASABAT ang mga miyembro ng Manila Police District (MPD) ng 130 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P884,000 mula sa magkakahiwalay na buy-busts noong Lunes.

Unang narekober ang 60 na gramo ng shabu na nagkakahalaga sa P408,000 sa Sampaloc area mula sa mga naarestong suspek na sina alyas Cath, 42; at alyas Jon-Jon, 50.

Nahuli ang dalawa sa buy-bust sa pamumuno ni Police Major John Lobaton, hepe ng Station Drugs Enforcement Unit ng MPD Station 4 sa PNR railroad track sa G. Tuazon St., Brgy. 422, Sampaloc, Manila.

Natimbog din sina alyas Datukali at alyas Mamalangkay, 26, ayon sa report.

Timbog ang dalawa sa buy-bust sa Guerrero St. corner Nuestra de Guia St., Brgy. 667, Ermita, Manila at nasamsam ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Swak din sa selda ng MPD Delpan Police Station 12 ang tatlong lalaki na nahuli sa San Miguel Drive corner Yamamura St., Brgy. 275, Binondo, Manila.

Nakilala ang dalawa na sina alyas Omar, 37; at alyas Albert, 26.

Nabawi sa mga suspek ang 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag na Sections 5 at 11, Article II ng RA 9165.