Suspek

Parak naaresto 2 suspek sa krimen sa NE

Steve A. Gosuico Sep 5, 2026
37 Views

CAMP GEN. MARIANO N. LLANERA, Cabanatuan City– Nadakip ang barangay kagawad at isa pang suspek sa pamamaril sa San Isidro at Cabiao, Nueva Ecija, ayon kay PCol. Ritchie Claravall, hepe ng Nueva Ecija police.

Sa Brgy. Alua, San Isidro, sumuko ang isang suspek na barangay kagawad na responsible umano sa pamamaril sa dalawang biktima sa Brgy. Sto. Cristo.

Kinasuhan na ang suspek ng frustrated murder at attempted murder sa provincial prosecutor’s office sa Cabanatuan City.

Sa Cabiao, nadakip si alyas Dadong, ayon sa mga pulis.

Responsible umano ang naarestong suspek sa pagbaril at pagpatay sa isang magsasaka sa Jose Abad Santos Avenue sa Brgy. San Vicente.

Kasong murder ang isinampa laban sa suspek.

“Muling pinatutunayan ng Nueva Ecija police ang kakayahan sa paglutas ng mga krimen at pagdadala sa mga may sala sa hustisya,” pahayag ni Claravall.